Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 11, 2006

Bagting ng Takipsilim

Bagting Ng Takipsilim

Mula sa malayo,
Unti-unting nananakipsilim ang araw
Samantalang naghihintay ang kuwadradong
Tangkil na bakod ng palaisdaan.

Isang kisapmata’y bihag na larawan
Ang kahel at naglilingas na hugis
Sa gitna ng dalawang tulos,
Rabaw ng lawa at palupo ng patuto.

Hanggang sa tuluyang nahulog
At nawala sa aking paningin.


Mga Kategoriya