Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 19, 2012

Pagtatakipsilim

Image

Ang dapyo ng hangi’y malamig ang sigid

Sa pusod ng laot habang naglalayag,

At ang himpapawid kahawig ng kanbas—

Iba’t ibang anyo hugis sa paligid.

May tukso ang alonng kislap-alimbukad,

Habang ang pampangin ay nagpupusikit;

May huning maingay ang ilang kuliglig

May argolyang kipkip ang mamamarakas.

Ang Magriregato’y may bakol na handa’t

May isang talarong timbangan ng huli,

Habang Maninikit hinihila’y buli

Sa pagtitimbol n’ya sa dibdib ng lawa

Habang takipsilim hapay ay pakiling,

Handa nang humuni ang Tigmamanukin.


Responses

  1. Kailan ba ako makadadalaw sa inyo? Kailangan ko magrelaks, pre. Tagay tayo minsan.

    • Pre, nagpaplano si Maam Lilia Antonio na pumunta sa Kuta ko, o kahit kelan mo gusto basta friday, sat and sunday lang.Welcome anytime ang Tarikan ng KWF.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: