Nang magkita ang sirena at ang d’wende sa aplaya,
Hinihimok ng duwendeng pakinggan ang pagbabasa;
Dalang aklat sa sirena’y agad nitong ‘pinakita
Kagyat namang pinagbigyan at naupo sa bibinga.
Halos tatlong daang taon ang kanilang paghaharap,
Buhok nila’y nagsiputi di mabilang ang paghikab;
Pumuti na yaong uwak umitim na rin ang tagak
Ay di pa rin sumisisid ang sirenang taga dagat.
Saktong apat-daang taon nang ang d’wende’y maghabilin:
“Alagaan mo ang lawa O, sirenang aking giliw,
Dahil ito’y nanganganib sa bingit ng alanganin;
Isda ninyo’t kalawaa’y dadayuhin nitong sakim.
Nakita ko kahapon lang ang sirena sa may wawa,
Panay gilik ang katawa’t lubha itong kawaawa.
Mag-iwan ng puna