Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 19, 2012

Dila Ng Kaligiran

 Image

Ang dila ng alon ay bubog na pilak,

Yumuyukong palay sa masigwang dagat;

Naroong itaboy ng hanging habagat

Sa dalampasigang madaming alamat.

 

Ang dila ng hangi’y lipos mapagbadya

Ng mangangaganap sa lawang Laguna,

Kapag ang dayaray nanigid sa tenga

Asahang may hatid lamig ng ginhawa.

 

Ang dilang amihan paglikas sa bundojk

At ang tinugpaha’y ang lawak ng laot,

Asahang hinagpis at lumbay ang dulot

Sa nangaglalayag sa puyo ng agos.

 

Ang dila ng kidlat kapag nanunudla,

Ang banig ng langit ay di mapayapa;

Dahil ang kabuntot dundong abot-lupa

Ng kulog na tila higanteng  barada.

Ngunit ang dila ko pag aking nakagat,

Ang naalala ko’y nabigong pangarap.

 


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: