Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 19, 2012

Lupig

Tuwinang kikidlat ako’y tumititig

Sa kudlit na birgang busog na matulis,

Gusto kong hamunin ang kidlat sa langit

Kung lalaban ito sa isang hinamit

Na tulad kong bang-aw dito sa daigdig.

 

Minsang nasa laot hamon ay tinugo’t

Kagyat sumagitsit ang sibat na apoy

Sa kinalalagyang balsang tinarundon,

Niyakap ko ito’t dagliang tumalo’t

‘Ginapos  ang kidlat sa humbak ng alon.

 

Sa ngayo’y ayaw nang lumaban ang kidlat

Sa tulad kong bang-aw na ang tanging hawak

Ay isang kupasing librong may dalyamas

Na lupig ang lahat na nais sumuwag.

 


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: