Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 19, 2012

Laro Ng Alon

Ang laro ng alon sa mesang pantalan

Ay gumigilawgaw sa aking nagdaan,

Dito niyayakap bubot-kamusmusang

Pangarap na sana’y marating ang bayan.

 

Dito rin lumukso ang tibok ng puso,

Habang ang kabata’y kasamang maglaro;

Mga munting ngiti’y dito nabubuo

Kapag itong alon luksong nagbibiro.

 

Dito rn nabuo ang lakas ng loob,

Kapag nagngangalit daluyong ng agos;

Dahil ang dibdib ko’y tila madudurog

Kapag hinihilod ng lumot ang lungkot.

 

Ang tapang na bigay ay aking ginamit,

Upang ang pangarap puntaha’t makamit.

 

 


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: