Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 19, 2012

Babaw At Lalim Ng Buhay

Ang bakas ko’y tugmang may bersong mababaw,

Lalo’t nanunudla ang sikat ng araw;

Ngunit kapag ulan patila at hulaw

Malalim ang berso’t persona’y matapang.

 

Mababaw ang aking tulang pinangarap,

Nais kong persona’y laging may halakhak;

Ngunit lumalalim kapag sawimpalad

Sa isang pagsuyong sing-ilap ng uwak.

 

Ang ibig ko’y lawang mababaw ang tubig,

Upang makatangad tubig na malinis;

Ngunit kapag apaw sa gilik at banlik

Pusod na malalim ang aking kaniig.

 

Buhay ko’y mababaw ang gustong tunguhin,

Ngunit yaong tukso ang nagpapalalim.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: