Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 19, 2012

Alaala Ng Alon

Sa dinamba-damba ng bangka sa alon,

Merong gumigitaw sa aking kahapon;

Gaod walang humpay kapag may daluyong

Ang unos at sigwang sadyang naging hamon

Upang maka-igpaw sa hakab ng gutom.

 

Laging nahihiwa ang daanang tubig

Ng ginintong dahon makinang mabilis,

Tulad ng paghiwa sa pusong pumintig

Noong biguin mo ang aking pag-ibig—

At kayraming luhang hagdang bumalisbis.

 

Akin ding natanaw hanging palaypalay,

Waring may anyayang muling magtampisaw;

Sa banig ng laot at muling dantayan

Ang sigid ng lamig ng aming nagdaan.

 


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: