Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 10, 2011

Sa Pananamlay Ng Ibon

Lagi nang balisa’t di dalawing antok,

Gabi ko’y mapanglaw at lubhang kaylungkot;

Mabuti na lamang may unan at kumot

Na tanging kubliha’t dantayang himutok.

Dahil sa ayaw nang tumayo’t kumislot

Ang ibong sinipo’t tilaok napaos.

Mayroong naghatol na isang Tarikan

Na kung anu-anong gamot na mainam,

Subalit ayaw kong isa ma’y patikma’t

Baka may epekto kanyang kalusugan.

Baka may talos kang dahong pampagana

Para makatuka ibon ko sa hawla?

Baka mayroon kang minanang gayuma’y

Pahiram nga muna’t nang ibo’y gumana?

Ngunit kung wala na talagang pag-asa

Ang sipuning ibon ay ipapahinga,

Doon sa malayong malalim na k’weba

Ng mga pikarong ibong matanda na.

Tula ni Tata Funilas!

Nobyembre 6, 2010


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: