Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 10, 2011

Sa Bawat Dulo Ng Tugma May Luha

Nais köng magsumpa! gusto kong manlait!

Ng nasa bulwagang santambak ang awit,

Mga katanungang pumagkit sa isip;

Bakit nagkakamal yaong mang-aawit

Sa tanghalang lugar nitong manganganta?

Sa bawat awiting buka ng hininga’y

Lintsak ang pag-ambon perang sangkaterba’t

Kamingtulaero’y laging nakanganga.

Gusto kong ihinga ang sikdong bagabag,

Kalampagin yaong laksang nagpasikat

Sa pupong kumanta’t binigyan ng bayad

Ang mga awiting kagyat lumaganap.

Samantalang kaming nabuyo sa tula’y

Wala kahit kusing palakpak ma’y wala;

Masahol pa kami sa abang timawangGutom na pagbigkaswala pang mapala.

Ay! Kasumpa-sumpa kayong mga pantas

Nitong panulaang di binigyang habag-

Mananalinghaga’t mga mambibigkas,

Sumalangit nawa mahal naBalagtas.

Awit ni Tata Raul Funilas!


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: