Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 10, 2011

Puting

Doon po sa amin merong karpintero,

Magaling sa lahat walang basag-ulo;

Hindi sinungaling at wala s’yang bisyo

P’wedeng mabataris maghapong trabaho.

 

Minsang nanaginip na may nakilalang

Isang Kaibigang parang may mahika;

“Humiling ka lamang kung anong problema’t

Ikaw’y pagbibigyan kahit sobra-sobra.”

 

Minsang binataris ng isang kahinlog

Gumawa ng kubo sa pultahang ilog,

Di kaginsaginsa’y sumablay ang pukpok

Kaya martilyo n’ya sa ilog nahulog.

 

Nang biglang dumating yaong Kaibiga’t

Nagkusang tumalon nang bigla-biglaan,

May gintong martilyo nang ito’y lumitaw

” Ito ba Igan ko ang ‘yong kailangan?”

 

Gulat na kumirong itong karpintero,

At muling sumisid Igang kabalyero;

Nang muling lumitaw dala’y silberado

At muling kumirong itong karpintero.

 

Sa pangatlong litaw nakuha ang sadya,

Kaya itong panday ay lipos ang tuwa;

Galak na sinabi tulong na ginawa

Sa kanyang asawang waring manghang mangha.

 

Dahil ginto’t silber na martilyong gamit

Kusang ibinigay ng Igang sumisid,

“Laking tulong nito sa ‘ting pagkagipit.”

Usal ng kauling mata’y nakapikit.

 

Kinaumagaha’y asawa’y sumama

Sa kubong ginawa nais ding makita

Igan ng asawa’t gustong makilala,

Asawa’y nadulas ilog ang kumuha.

 

At ang Kaibigan ay muling sumulpot,

Asawa ng Iga’y sinisid sa ilog;

Nang ito’y lumitaw: “Ito ba ang Irog?”

Laking pagkagulat karpinterong hinlog.

 

Dahil sa ang tangan Igang may mahika’y

Pagkagandang dilag hindi kanyang sinta,

Naging sinungaling hindi sa ano pa

Dahil ayaw nitong magtatlong asawa.

 

Sabi-sabi ni Tata Raul Funilas!


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: