Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 10, 2011

Panakaw Kong Sulyapan Ang Araw

 

Panakaw Kong Sulyapan Ang Araw

Enero 10, 2011

Malakas ang ulan kagabi,

Inisip kong umiiyak ang langit:

Lumabas ako at sinilip ang papawirin

Kung magtatagal ang buhos.

Hanggang maghatinggabi.

Ulinig ko pang may tikatik

Na patak sa umaalong atip

Na nagpapabiling sa aking pagtulog.

Bukangliwayway,

Pikit angmata ko’y dilat ang diwa.

Hulaw na ang ulan,

Naisip kong naibsan at tumahan ang langit nang ako’y mahimbing.

Bumangon ako,

Sinulyapan ang gintong araw… Panakaw.

Berso Libre ni Tata Raul Funilas!


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: