Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 10, 2011

Dalit Sa Galit Ng Hayop At Likas Na Bait Ng Tao

 

Ibon mang wala pang bagwis,

Kapag ito’y niligalig;

Asahan mong magpipilit

Itong makapangunyapit

Upang makapanibasib,

Sa kaniya’y manggigipit.

Ang hayop kapag nasukol

Ng kalaba’y pagtatanggol

Ang laging iniuungol

Upang takuting naulol

Siya at handang pumatol.

Ngunit ang tao ay iba,

Bago ito magpasiya’y

Lilimiing makalawa

At baka makadisgrasya

Ng kapuwang walang sala.

Dalit ni Tata Raul Funilas

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: