Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 10, 2011

Dalag ni Rina

 

 

Salamat sa iyong ‘pinadalang dalag

Tanong ko’y magkano ang dapat ibayad?

O ito’y biyayang nanggaling sa palad

Ng aking pamangking maganda’t masipag.

 

Aking iluluto sa aking pag-uwi

Lubog sa mantikang prito sa kawali

Habang nanunood ng pagtutunggali

Ng laban ni Paquiao na ating kalipi.

 

Ito’y lalangkapan ng isang Fundador

Gagawing pulutan habang umiinom

At kapag si Paquiao naging muling kampeon

Tayo’y magsasalo sa Pasko ng litson.

 

Muli ay salamat sa padalang dalag

Na aking pulutan na ubod ng sarap.

Nobyembre 14, 2010

 


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: