Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 10, 2011

Bulong Ng Bantay

 

O, langgam, o, langgam sa Pinagdilawan.

Iyo ngang kagatin ang dayo sa Sapang,

dahil may balitang papuntang Bintagan;

At mangamumutol ng damong kawayan.

 

Ay, biya, ay, biya sa dunggot ng Batsong,

Ikaw ay magtago sa tulos na putol;

Ikaw’y bibingwitin naligaw sa Tabon

Upang mangapawi ang lintsak na gutom.

 

Ayungin, ayungin ikaw ay gumising,

Meron kang bisitang di taga Mausiw;

Huwag kang kukurap ikaw’y lalansihin

Upang ang sarap mo’y kanilang makain.

 

O, langgam at biya matabang ayungin,

Huwag n’yong pansinin ang di taga Talim.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: