Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 10, 2011

Regata Ng Pag-ibig

Regata Ng Pag-ibig

Enero 10, 2011

Umilambo’t kumakalakataw ang kalmanteng tubig sa ragasa ng mga armadahang nagreregata, bawat kalahok ay gustong mauna upang ang pinakamaringal na premyo at parangal ay kanilang makuha.

Hanging palaypalay ang nagpapasampa ng ilambo ng tubig sa proa ng armadahan at hanging habagat ang humahakab sa layag at nagpapausad dito ng matulin.

Tagisang kailangan ang pinakamalalim na buntunghininga at kaalaman sa banig ng himpapawid at tubigan.

Sumukdol sa hanggahan ang naka-ungos at kumaway na taas ang kanang kamay ng tagumpay ang matikas at matipunong timonero.

Umugong ang sigawan at namumukod ang sa nakahilerang binibini sa dalahikang kuwengka ng aplaya nang bumaba sa andamyo ang nagwagi.

Sinalubong ng pinakakondesang dalaga ang nagwagi at isinabit ang galang sa leeg na yari sa pinakamaputing kantuni na may lawit na perlas na naliligid ng kumikinang dalyamas.

Lumikha ng kilapsaw at anlog ang tubigan sa nakabibinging palakpakan at sigawan habang nakamasid sa patuto ng baklad ang tigmamanukin.

Bawat kalahok ay nagbigay pugay sa magilas na timonero at ipinatalos ang pagkatalo.

Hindi umiwas ni bahagya ang dalagang kondesa nang hawakan ng nagwaging timonero ang kaniyang kaliwang kamay.

Nasa pusod na ng laot ang nagwaging armadahan sakay ang timonero at dalagang kondesa’y mutiktik pa ring mababanaag ang kasiglahan ng dalampasigan habang ang himpapawid ay nagbabanta ng malikot na unos sa laot.

Berso Libre ni Tata Raul Funilas!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: