Ipinaskil ni: Raul Funilas | Agosto 26, 2010

Ambus

Tahimik ang paligid,

Bumabagtas sa landas ng Palanas ang mga Kasanat;

Hawak na armalayt at anas ang bumubukas

At bumubutas sa dawag ng gubat.

Narinig nila ang boses ng target,

Inalis sa pagkakahalukipkip

Ang sukbit na inis at galit sa dibdib;

Ikinimis sa gatilyong nakalawit

Ang hintuturo at bumirit

Ang kumandong tinig:

“Arya! Ngayon na! Arya!”

Nakagigimbal ang babalang dayaw ng Tigmamanukin.

Nang mapawi ang usok ng pulbura’y

Nagdagim at nanimdim ang papawirin.

Salimbay ang kampay ng kawang langaylangayan sa kalawakan.

Nagluluksa ang bayan.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: