Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 26, 2010

Ulinigin Ang Gulong Ng Alon

Siliping maigi bago magsalitang

Ang hula ng Pantas ay di nagkabula.

Lawang kinagisnang lansak ang biyaya

At linaw-tubiga’y esmeraldang sadya;

Walang magsasabing hindi pinagpala

At hindi daranas na mapariwara.

Ngayon! Katanunga’y bakit umiiyak?

Ginanot ang anit bumukal ay burak,

Laginling nagkumpol iligal na baklad

At ang mangingisda’y hindi maikalat-

Gawang palakayang sa gutom lulunas.

Uliniging lipos ang gulong ng alon

Nitong kalawaang basura ang kandong

At huldong paghinga’y susong nalalason.

Awit Pantubigan ni Tata Raul


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: