Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 26, 2010

Nunal Sa Pas-ang Balikat

 

Lumalao’y lumalabo itong lawa ng Laguna,

Magsimulang panigilan ng dayuhang nangagbalsa

Upang dito mamirmiha’t ang pamilya ang kasamang

Magbabanghay ng pangarap at lililok ng pag-asa.

Lumalao’y na-uupaw ang anit ng aming bundok,

Tinatabas ang supanga’t ang kahoy ay ginaganot;

Ikinasang mga bitag ang hinuli’y mga hayop

Na mailap.Mga usa’t baboyramu’y nanga-ubos.

Wala na ngang makukuha ma sa lawa o sa gubat,

Nangalipol yaong isda’t wala na ring mga prutas;

Kaya ngayon ang balana’y mahihikbing umiiyak

Sinapit ng pulong Talim nunal sa Pas-ang Balikat.

May gamot bang ilulunas sa bundok ko at sa lawang

Waring kanser ang dumapo? Kabangkilas, wala na nga!


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: