Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 26, 2010

Kasama Sa Lakad Ayaw Papasukin (Erotika Poetika)

Pangandi’y kahambing nitong bahaghari,

Tuwinang lalabas laging bumabati;

Tuwid kung umasta’t may kulay ang ngiti’t

Magbabalantukang parang isang hari.

Ngunit nagagalit ang dalawang bolang

Kumakapit-kapit at laging kasama

Sa gayak, di naman lang makapustura

Upang makapasok, hahanggang bukana.

At kapag umalpas ang similyang imbak,

Sukang patilamsik sa iisang butas;

Tiyakang lalambot ang galit at bikas

Hanggang makatulog at di makahugas.

Muling magbabangon sa madaling araw,

Upang parausin gigil kamunduhan.

Poetika Erotika ni Tata Raul Funilas!


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: