Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 23, 2010

Pahimakas Ng Makatang Sampay Bakod

Naaaninag ang dulo ng landas kong pupuntahan,

Parang lumen ang liwanag sa mata kong malalamlam;

Kaya ako’y nanalangin ng Plus-Santurium na dasal

Upang sa aking pag-akyat sa hagdan ng kalangita’y

Salubungin ng kerubing nakangiting naghihintay.

Iiwanan ko sa inyo’y ang hinabing laksang tula,

Na umaliw kahit pa’no sa lumbay ng inyong diwa;

Kahit ako ay wala na sa balat ng ating lupa’y

Isiping kahit sandali sa alaala’t gunita,

Na mayroong Sampay Bakod, kaibiga’t kamakatang

Hindi kayo malilimot kahit ako ay mawala.

At sakaling makaharap ang Langit Ng Paghuhusga,

 Sasabihin ko ang lahat ng aking pagkakasalang

Nahumaling sa panitik, retorika at musika.

Hulyo 23, 2010

Sa Puntod ng Dalawang Ibong Tabon

Pulo ng Talim, Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: