Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 13, 2010

Sonata Ng Gitara

Mulang umalis ka’y hawak ko’y gitara,

Tinitipa-tipa’y ating alaala;

Doon sa sagingan at tabing aplayang

Ating binubuo pangarap-pag-asa.

Minsa’y tinutungo matarik na burol,

Nagbakasakaling matanaw ko roon

Ang bakas n gating magandang kahapon;

Hanggang sa lubugan nitong dapithapo’y

Malang maaninaw. Sa gabing mapanglaw

Ang hinaharana’y ang limbo ng buwang

Wari’y nanunudyo ang luminang tanglaw

Sa pangungulila sa ‘yo aking Mahal.

Sa aking pag-idlip ikaw ang pangarap—

At gitarang lagi ang hawak ko’t yakap.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: