Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 30, 2010

Daluyong

Kagabi’y pumalaot sa lawa ang aking kaluluwa

Upang sundan ang mga salikwaang hanging

Gumigising sa along natutulog nang mahimbing.

Ipinagpag ko ang pangangalisag ng galit na hintil,

Tinanaw ko ang kabilang ibayo kung nag-aaboabo

Ang dalampasigang kinahihilahan ng mga prahu.

Alumpihit ang ulap sa pagkadlo ng tubig na naglaho

Nang kinagat ng rilim ang isang pilyego ng himpapawid,

Ninais ding sumulpot ng bahagharing laging nakasilip.

Nang malaman kong nagkaisa ang mga hanging naglubid

Ng lakas ay lumitaw ako sa aking pinatataguang alon,

Idinipa ko ang aking lakas at ibinunghalit ang pasigaw na bulong:

Ang aking lakas ang inyong sagupain kung laging ibabangon

Ang along dumudurog sa aking dalampasigang nagngunguyngoy.

Sa Hampila ng Dalampasigan

Sa Dunggot ng pulo ng Talim

Bgy. Habagatan, Binangonan, Rizal

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: