Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 25, 2010

Sandosenang Haiku Sa Tubigan

1.Ang tubig pag kumilos,

Tawag ay anlog;

At kung minsan ay agos.

2.Pag humihip ang simoy

Ng hangin, bangon

Tiyak ang mga alon.

3.Nagsimula pagsulat

Ang plumang hawak

Sa tubigang malapad.

4.Liling aanod-anod,

Pumasapusod

Sa pagbuyog ng agos.

5.*Magmamahal ang tubig.*

Sabi ng Pantas.

*Kaysa petrolyo’t liquid.*

6.Makina ang humiwa

Sa kalmang lawa-

Kaya walang biyaya.

7.Noong araw, pag-igib

Ng lawang tubig,

Di aabot sa dibdib.

8.Kilapsaw ng parilong

Ang naghimatong

Giya ng Maninimon.

9.Pag bumangon ang alo’t

Gumulong-gulong,

Tiyak may sigwang simoy.

1o.Hindi mabulok-bulok

Ang mga tulos

Sa paghagod ng agos.

11.Nagkakaro’n ng gilik,

Sintasing banlik;

Pag payatas ang tubig.

12.Sa may dalampasigan

Ko iiwanan

Ang bibinga ko’t lukan.

Haiku Pilipino ni Tata Raul Funilas!


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: