Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 24, 2010

Som Aradnila Sor (Nea Jagat)

 Rumururok ang panatang sa piling mo’y maka-uwi,

O, mahal kong taga Jaen bukod tangi’t tanging tangi;

Sa kandungan ng panahong wala mang lang pasubali’t

Aalisin ko ang lungkot sa dibdib mong makandili.

Laan akong patnubayan ang wagas nating pag-ibig,

I-aalay ko nang lipos ang lahat mong ninanais

Na hindi mo nalalasap sa dulang nitong daigdig,

Dahil ako’y sadyang bihag sa kulungan ng ‘yong dibdib;

Aliw ko na’t tanging galak ang ikaw ay makaniig.

Ragasa ng aking bagwis maririnig sa tuwina,

Araw-gabi kong mamasdan ang mala-Venus mong ganda;

Maging ina ng supling ko’y labis kong ikasisiya

O, mutya kong nililiyag diwata kong Rosalinda,

Sa pag-uwi’y salubunging tuwa at kislap ng mata.

Sa Hardin ng Diwata

Faculty Center

University of the Philippines-Diliman

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: