Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 22, 2010

Sandocenang Haiku Sa Kabukiran

  1.Anuwang*

Sa aming kabukira’y

Isang anuwang

Ang katuwang ni itay.

(*kalabaw)

 2.Latay sa Kalabaw

Haplit sa tagiliran

Kay Kalakia’y

Nagpasibol ng palay.

 3.Manghahalukay

Umaga hanggang hapo’y

Sinasaluysoy

Ni Totoy ang susuhong.

 4.Salakab ng Dalag

 Abang ni Boy ang pusag

Ng hito’t dalag

Sa nilinang na pitak.

 5.Midas

Uhay na yumuyuko’y

Nagiging ginto

Pag si ama’ng humipo.

 6.Awit ang Bukid 

Pagpupunla sa bukid

Ay parang awit

Na tumutubo’y himig.

 7.Sagana

Sa dami nang ginapas

Sa isang pitak,

Mamamayan ang bundat.

8.Punggok

Pagdatal ng El Niño,

Pati ang buto

Ng palay ay unano.

 9.El Niña

Pag El Niña’y sumapit,

Apaw ang bukid

Sa bahang parang Lintik.

10.Sipag ng Araro

Pagsingkaw ng araro

Sa aking ulo’y

Tiyak, kakain kayo.

11.Tuwa sa Mandala

Sa likod ng mandala

Tayo gumawa

Ng isang laksang tuwa.

12.Bantay-ani 

Hindi mahuli-huli

Yaong tutubing

Nasa bunton ng ani.

Haiku ni Tata Raul Funilas!


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: