Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 18, 2010

Pahihimbingin Ka Ng Aking Awitin

 

Ilang taludtod na ang aking nalikha at nilapatan ng himig, sinukat at tinugmaan ang mahahalagang titik; subalit umid ang iyong ngiti upang pumasok sa isip kong ang ginawa ko’y iyong ma-ibig.

Hindi ako tutugot sa paglikha ng awit, hindi ako titigil sa panunungkit ng titik ng pag-ibig na sa tamang panaho’y padadaluyan mo ng nakabibighaning ngiti na sa puso ko’y magbibigay kasiyahan.

Sa sandaling makita ko ang palatandaan ng iyong pagkagiliw sa aking sonata’y pipitasin ko ang pinakamatingkad at namumukod na bulaklak upang tuhugin at gawing galang sa iyong leeg.

Sisisirin ko ang pinakamalalim na laot upang kunin ang itinagong bibinga ng matatandang Lukan at gawin kong kanlungan mo habang matamang pinakikinggan ang aking awitin.

Aahunin ko ang pinakamatayog na bundok na kinalalagyan ng pinakamatandang tigasing madero upang tilarin at gawing diban ng katawan mong kahihiligan ng aking pag-ibig.

Luluksuhin ko ang salimbayang hangin, sasakyan ko ito upang hanapin ang mutya sa alumpihit na ipuipo at ito ang gagawin kong pamaspas sa mahimbing nating pagtulog.

Isasakay ko sa hangin ang aking awitin upang ilipad at madinig hanggang langit ang titik at himig ng ating pag-ibig.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: