Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 18, 2010

Pag-angat Ng Munting Pangarap

 

Sa panahon ng tag-habagat

umaangat at lumilipad

ang aming munting pangarap.

Pisig na kawayan ang iyayasyas

at huhubog ng borador na lilipad.

Paliparan na ng saranggola, muling iaangat

ang pangarap,

dapat ay matining sa itaas

habang ang pisi’y nababanat,

dapat ding hindi babagsak

pag may kakulyaha’t gustong makipagbabag.

Dapat ding matibay ang balot na papel sa bugso ng hangin at matatag

ang patpat na balangkas pag wala na ang habagat.

Ganyan kasimpleng umaangat ang aming pangarap

tuwing panahon ng tag-habagat.

Sa Balitangan

Tabon Mainit, Pulo ng Talim, Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: