Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 18, 2010

Bahaghari

                                                                                                      

Mahilig ako sa iba’t ibang kulay mulang bata pa ako na lipos ikinagagalit ni ama. Ini-uukilkil niyang ako ang susunod sa yapak na kaniyang nilandas. Ako ang Bahag ng kaniyang pagkahari ang magmamana ng kaniyang trono sa nakatagong paraiso. Hindi napigil ang namuong haliparot at paglantik ng aking kaakuhan sa dalisdis ng gubat, paranga’t dalahikan ng tubig. Kinausap ni ama ang tubigan at bundok upang pigilan ang aking maindayog na paa at kamay. Matagal nilang hinawakan ang aking lumalabang pagkatao subalit wala akong nagawa kundi umawit ng sari-saring kulay. Matagal nilang nadinig ang aking awit. Dumating ang panahong namitig ang kanilang mahigpit na pagkakatangan sa akin. Bumawig ang aking katawan, higit kong ipinamalas sa kanila ang lantik ng aking sarili. Umawit akong muli ng sari-saring kulay kapag ibinubuhos ng ulap ang kandong nitong tubig. Hanggang kumulapol sa aking balantukang katangian ang mga kulay na lipos kinagiliwan nang lahat na nakakita. Nakita ni ama ang aking kariktan at ipinasiyang tanggapin ako ng may pagpapahalaga at pagmamahal. Akong bahag ng kaniyang pagkahari, ang laging hinahanap kapag may tikatik ng ulan.

Pinaghariang Munti

Isla ng Talim

Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: