Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 3, 2010

Laginlin

Kapagka bahagyang may alat ang tubig sa lawa’y mabilis humilab ang isda. ito rin ang panahon ng pamamagaspas upang iluwal ng isda ang kanilang kiting kawang supling.

Lumilinaw na parang bubog ang tubig kapag may tabsing na iniluluwa ang gawangang Moog Napindan. Maraming minang tubig at buhay na sumuba’t apupa sa ragasa ng salikwa at salinok na agos.

Inaalat ang buhay ng Mangingisda sa lawa tuwinang hindi humuhumpay ang walang pakundangang pagbabakod sa daanang kasko at santuwaryo ng lawa ng Laguna.

Asing bumibintog ang pawis ng araw sa maghapong bumubungkal ng bukal ang pagbabakasakali sa pusod ng lawang wala nang nagmamantik na biyaya.

Iyu’t iyon din ang mamamalas kapag aninag na ang bukangliwayway at marahang sumusuko ang palipas na takipsilim.

Muli lamang gigiyaot ang gilawgaw kapag sumusungaw ang laginlin ng namamangka at nakangiting buwan.

Daanang Kasko

Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: