Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 2, 2010

Piging

Biyernes a-trece nang muling mag-ipon,

Mga dalubwika at makatang pulpol

Sa lugar na laging tagpuan ng pulong

Upang magpingkian ng kopita’t dunong.

Natapos kong k’wento’y pinuna ng Bida,

Nabatid ko raw ba ang buod-istorya

Ng isang mahaba’t nagwaging nobela?

Pilit kong sinabi: “Ay, maganda basta!”

(Nobelang Oragon ang kanyang pinuna.)

Nais ipalahad anong natutuha’t

Kung ano-ano pa. Dala’ng kalasingan,

Nang di ko ilahad karakang suminghal:

“Gago ka palang walang nalalaman

Sa nobelang likha ng isang Tarikan.”

Tiplag-ibinaldig ang yamot kong sagot:

“Sa bawat pagbasa nobelang may lungkot

O kahit masaya’y may paghangang handog,

Bakit sasabihin buod-niloloob

Ay batid kong ikaw’y bukal walang agos.” 

Dumilat ang mata’t buhok ay ginulo,

At saka bumulong kung kangi-kangino;

Sino daw ba akong ‘kala mo kung sino

Gayong pangalan ko’y parang si Raul, O!

(Humihip sa lusong puwing ang natamo.)

Magmulang mangyari hiyaang eksena,

Di na nagdulang bida’y makasama;

Dahil pag nalasing akala’y diyos s’yang

Ang bawqat kaharap luluhod sa kanya.

(A! Ganyan ang bida lumang pelikula.)

Hunyo 3, 2010

Bgy. Taghangin, Morong, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: