Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 27, 2010

Mga Pag-asa ng Isla

Mga batang isla sila kung tawagin,

Sa malayong lugar sa pulo ng Talim;

Sila’y may pangarap na sana’y marating

Alimbukad nitong maningning na bitwin.

Sakaling matupad ang sintang pangarap,

Muling mananaknong pinilakang yapak

Sa dalampasigang noo’y umiiyak

Sa dami ng banlik at gilik na layak.

Sila ang gagamot sa patay na lawa,

Na halos inubos ang laksang biyaya

Nitong libong dayo na unting dumagsa;

Kaya pupong isda’y kagyat nangawala.

Sila ang pag-asa sa lawang may lungkot,

Sila ang gagamot sa pulong nalimot.

Sa Pritil ng Tabon Mainit

Pulo ng Talim

Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: