Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 27, 2010

Doon Po Sa Amin (Kristal Ang Tubig)

Sa tuwing sisisid sa tubig na kristal,

Matatabang isda’y aking kalanguyan

Sa pulo ng Talim kami’y mga taal

Walang kapaguran sa maghapong kampay.

Dito’y nakapiling ang agos sa lawa

Sa linaw ng tubig ay rumaragasa,

Magpapati-anod sakay nitong bangka

Ang sukdulan nito’y  ‘sang katayang tuwa.

Lawa kayganda mo, pulo ikaw’y tukso,

Along kumakaway sa lulan ng kasko;

Bulaklak ng liling inaalimpuyo

Sa panliligaw ng trumpong ipuipo.

Bituin sa langit sa lawa’y nahulog,

Kinandong ng lunday na nagpapa-anod;

Umigpaw sa tuwa’t ito ay tumimbog

Salapsap paglangoy pang-alis ng lungkot.

Pulo at lawa kong higit na minahal,

Dito isinilang dito rin hihimlay;

Upang ang bibinga’y laging pamarisan

Ng anak ng pulong inyong kalulugdan.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: