Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 27, 2010

Ang Mamatay Nang Dahil Sa’yo

Ako’y mamamatay kapag nakita ko ang palatandaan,
Sa pusod ng laot ay may bahagharing putol yaong kulay;
Hindi mapipigil kahit sampung kulog dagundong na sigaw
Kahit na lumukso ang alo’y pigilin ako’y mamamatay.
(Mapipigil lamang ng mga tulai’t himala sa altar.)

Ako’y mamamatay kapag ang tula ko’y hindi mo inimis,
O kaya’y pahapyaw mo man lang titigan kahit isang titik;
Mamamatay akong may pighating impok at diwa’y ligalig—
Dahil ang totoo’y pagbigkas ng tula ang unang pag-ibig.
(Subalit pakinggan tula sa paligid ay di maulinig.)

Nabubuhay ako kapag ang makata’y tuloy sa pagbigkas
Ng tulaing bayan,tulaing pag-ibig na walang pagkupas,
Binubuhay ako ng tula ng alon sa laot ng dagat;
Ako’y nabubuhay pag aking natungha’y tulang tugma’t sukat.
(Mamamatay akong tula ang pag-ibig magpahanggang wakas.)


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: