Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 25, 2010

Negosyante’t Asong Kalye

 

Isang Negosyante ang nag-abot ng bulalo sa Asong Kalye,

Tinitigan ng Asong Kalye ang Negosyante

At ang buntot at tenga ay ikinawag.

Hindi nagustuhan ng Askal ang bigay ng Negosyante

Dahil hindi ito sanay sa mamahaling buto.

Hanggang sa lumao’y napabait ng Negosyante ang Askal

Sa pamamagitan ng kunday ng kamay

At paswit ng bibig niyang matamis at mabulaklak.

Hanggang isang araw ay hinainan ang Askal

Ng pinakamahal na pagkaing higit pa sa bulalo.

 Hindi makain ng Askal ang bigay ng Negosyante

Dahil na-alimaymayan nitong may sukbit

Sa likod na pambambo ang Negosyante.

May kural at tangkas pala ng Askal ang Negosyante

Upang ibenta sa mga dayupay sa karne ng Askal.

Umangil mabalasik ang Askal

At humandang lapangin ang nais humarumba sa kaniya.

Bahay Buwaya

Pulo ng Talim

Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: