Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 13, 2010

Sa Bato Itatago Ang Aking Lihim

 

May lihim ang batong matagal natago

Na ang nakatuklas ay ating ninuno

Habang nagpapanday ng batong matigas

Ay nagkaka-apoy kapag natatapyas.

Binasag ang bato’t sinuri ang loob,

May kinang at kislap habang nadudurog;

Nang ito’y salain sa linaw ng tubig

May pinong dalyamas na kaakit-akit.

Ang lihim ng bato’y parang bahagharing

Pinagtataguan ng ginto at gusi

Ng ating ninunong tanging nakatuklas

Na ang kasaysaya’y hindi nagwawakas.

Kaya ang lihim ko’y sa bato ‘tinago

Magmulang magdugo ang sugatang puso.

Soneto ni Tata Raul Funilas!


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: