Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 13, 2010

Hanapin Mo Ang Bulag Na Alitaptap

Ang mahal kong lelong nang huling mangusap:

Apo, sa gabi ay ikaw’y pumagubat

At iyong hanapin isang alitaptap

Na lilipad-lipad…ngunit ito’y bulag.

Sakaling makita’y kagyat na hulihin,

Hipan mo ang mata sambungkos na hanging

Hinigit sa gaong ng pamimilapil;

Alpasang marahan sa may papawirin.

Hayaang lumipad singtayog ng langit,

Upang magliwanag ang buong paligid;

Dahil kailangang mahawi’ng pusikit

Sobrang paninikip nitong aking dibdib.

Siya’y magagalak sa kanyang liwanag

Na sa aking burol  na ma-alimbukad.

Mayo 13, 200

Solano, Nueva Vizcaya


Responses

  1. Para sa lahat ng Pinoy WordPress users, para sa atin ito: http://pinoywp.wordpress.com

    Magiwan ng kahit anumang mensahe. Magsimula ng magandang paguusap.

    Spread the word! 🙂


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: