Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 13, 2010

Awit ng Huweteng

O, puting lastilyas listaha’ng kubransa,

Sa ‘yo nasasaid ang kaunting pera;

Araw, buwan, taon ay nahahalina

Sa iyong bolilyong mahusay mambola.

Kapag nanaginip kagyat may anuns’yo,

Kayang busisiin lahat ng numero;

Bulate at ahas iyon daw ay otso

Kaya pag sin’werte tatama ng libo.

Ngunit kasabihan diyan daw sa sugal,

Karingot na k’warta’y isasapalaran;

Kahit ito’y laang pambili ng ulam

Napanaginipa’y tiyak tatayaan.

Hay naku Huweteng gayuma ba ikaw

Sa taong nahaling sa mundo ng sugal?

Baluarte ni Chavit Singson

Ilokos Norte


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: