Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 5, 2010

Bulwagan

Bulwagan

Ang mesa’t bulwagan ng isang sugalan ay isang esk’wela,

Ng maraming lihim at bulung-bulungan ng isto-istorya;

Iyan ang hatula’t husgahan ng taong mga walang sala

Saka kalendaryo ang bawat salansan balasang baraha.

Dito nalilibang ang hapis at lumbay nitong kapaguran,

Waring may sabulang dagling napaparam pag baraha’y tangan;

Dito rin nalungi ang puri ng ilang nimpang kagandahan

Pag hindi tumodas o kahit panotse’y lagkit kung titigan—

Kadigmaang lalakeng limpak kung manalo h’wegong magdamagan.

Dito rin nalupog ang di ilang yaman ng pupong nahilig,

Kaya kasabiha’y:”Pumapanaog daw pagsinta’t pag-ibig,

Kapag kumakatok itong kahirapang sa sugal nadikit.”

Nguni’t mana pa ang mesang sugalan ang laman ng isip

Habang itong tao sa bawat baraha’y my kaway pang-akit.

Ay, mesang tipanan ng mga hugador saan mang lupalop

Ikaw ang bulwagang maraming naaliw higit ang nagdahop.

Tula ni Tata Raul Funilas


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: