Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 3, 2010

Puting Alapaap Ng Katotohanan( sa anak kong Kit)

 Ang anak kong ito’y umulos-santigwa,

Proletaryong basal sa pakikibaka;

Hanggang sa makupot ga-hiblang pag-asa’t

Tumagos sa dibdib ang balang huhusga.

Kasamang sumones nangundimang awit

Sa piping bayan ko’t matang nakapikit,

Tengang nagsasara’t hindi makarinig;

Kaya nag-adhikang tagumpay-mahamig.

Lumutang na parang puting alapaap,

Maralitang Lungsod ang diwa’y yumakap;

Yumapak ang sakong at ipakitalad

Ang iyu’t iyon ding sa baya’y laganap.

Ngayon ay kalahok sa digmaang mund’yal

Nitong pulitikang maputik ang daan,

Nagbakasakaling tumudla ang araw

Sa landas ng lupang ipinaglalaban.

Sige! Kabangkilas Iyong Tataluhin—

Pulitikong Trapo sa tamang layunin.

Kandidato ang anak kong si Kit Belmonte bilang Diputado sa 2nd District ng QC


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: