Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 3, 2010

Pangat Na Dalag

Isang kikiluhing binakuling dalag

Ang iigpaw-igpaw sa loob ng baklad,

Nang aking salukin tila nalalanghap

Ang sinampalukang dalag na pinangat.

Nang ako’y umahon tuloy sa may dapog,

Nagpalingas agad at aking binusbos

Ng abo at asin upang ihilamos

Sa dalag at saka tuluyang kinulob—

Sa isang kalderang may pang-asim-sahog

Apat na pirasong hinog na sampalok.

Ilang minuto lang ang aking hinintay

Upang maka-amoy ng katakam-takam,

Habang hinihimas ang gutom kong tiyan;

Matapos kumain, hinatak ko’y duyan.

Sa aking Kuta

Pulo ng Talim

Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: