Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 3, 2010

Balintataw Sa Bintana Ng Bangka

 

Tatlong batang Pritil ang nagkayayaang

Maglunoy tampisaw sa dalampasigan,

Ang tangka’t layunin ay upang matighaw

Ang init at banas katirikang araw.

Lastag na tumalon at saka lumangoy

Sa tabi ng bangkang sogang umuugoy

Sa dahikang moog. May kalmanteng alon—

Na ang tatlong bata ay nagpapakandong.

Agad nagsisampa sa kawayang katig,

Animo’y atletang nagkakapit-bisig;

Sabay magtalunang tila halukipkip

Ang sanlibong sayang naipon sa dibdib.

Kagyat na lumungkot ligayang  nalasap

Nang biglang sawayin arkabalang dagat.

Mayo 3, 2010

Wharp ng Pritil

Binangonan, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: