Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 21, 2010

Hiling Ng Hiningang Hinigit Sa Hangin

Halika habagat at ako’y haplusin
Ng iyong malamig at nipising hangin,
Dahil ako’y bihag ng sakit na lihim;
Walang ibang lunas sa aking panimdim—
(Laon nang hinga ko’y huldong salamisim.)

Dalhin mo’y sariwang hanging buhat dagat,
Na pinaglayagan ng along tumiyad;
Baka ito’y siyang mabisang panlunas
Upang ang hinga ko’y sumuson ang usad,
Sa pamimilapil sa tarundong pikat.

Kung mabuglawan mo ang hanging amihan,
Pahihip i-anas itong karamdaman;
Sabihing isaklit ako ng ligamgam
Sa liling ng talon sa may kabundukang
Humilod sa bato ng matandang lukan.

At kung matan-awan ang Tigmamanukin,
H’wag kamong ligtaang ang panteo’y dalawin;
Doon sa ‘king takda na lupang malalim—
Sabihang dumayaw babalang awiting
Dapat ikagulat nitong taga Talim.

Sakaling matupad ang aking pakultad,
Sa kaitaasan ay sumalipadpad;
Hayaang amihang nanggaling sa gubat
Ang siyang magbuhos kanyang angking lakas,
Upang alikabok nitong pagka-agnas;
Tangayin sa k’wengkang walang hanggang wakas.

Raul ‘Tata’ Funilas
Abril 18, 2010
Matalinting Cave
Pulo ng Talim
Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: