Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 15, 2010

Text ni Mike Coroza kay Jess Ferrer

Nakalulungkot ang isang mensaheng natanggap ko kanina mula kay Kamakatang Joel
Costa Malabanan.(Ang totoo’y text iyon ng isang kasamahan nating Makatang si Ka
Jess Ferrer na siyang naging tagapangasiwa ng Talaang Ginto ngayong taon na
ipinadala kay kasamang Joel at ipinasa naman sa akin.)Narito ang mensahe:

“TEXT NI MIKE COROZA PARA KAY JESS FERRER PERO IPINADALA SA AKIN: Jess,
nakapanlulumo ang resulta ng talaang ginto ngayon. Kung bakit kasi kumukuha ka
ng mga huradong di naman makata. Si Roger Mangahas lang ang makata sa mga
hurado. At natalo siya sa boto ng mga tagapagtaguyod lamang ng wika. Hindi
makata. Kasumpa-sumpa!”

Isa si kamakatang Joel Malabanan sa mga nagwagi sa timpalak ng Talaang Ginto at
ang alam ko, hindi mga pipitsugin ang mga kinukuhang hurado sa ganitong timpalak
at ganoon din ang kumukuha ng hurado.Kumbaga: May proseso.

Ako’y nakikisimpatiya sa sinapit na pag-alipusta ni Mike Coroza kay kasamang
Jess at sa dalawang huradong sina Catacataca at Ongoco.

Hindi naman siguro mapasusubalian ang mga kalibre ng mga nanalo ngayong taon sa
Talaang Ginto, halimbawa: Ang nagwagi ng Makata ng Taong si David Michael M. San
Juan ay isang magaling na guro sa Kolehiyo ng San Agustin, ang pumangalawang at
ka-LIRA kong si John Torralba ay isang mahusay na guro sa La Salle, ang
pangatlong si Leodivico Lacsamana ay magaling ding guro at mananaliksik, si G.
Rey Duque ay naging Makata na rin ng Taon sa Talaang Ginto, si ka-LIRANg
Joselito delos Reyes ay ilang beses na nagwagi na rin sa Talaang Ginto at iba
pang timpalak sa tula at ang ang ating kasamang kamakatang si Joel Malabanan ay
isang guro, kompositor, na lipos ding napakagaling manula.

At sa mga hurado naman ay walang pasubaling number one si ka Roger Mangahas na
malimit ko ring makabungguang baso at makasikuhan sa mga tulaan, si G. Pamfilo
Catacataca ay isang guro, mananaliksik, tagasalin, editor at manunulat sa wikang
Pilipino, si Tomas Ongoco ay isa ring dalubwika at tagahimay ng maalamat na
Ibong Adarna at Noli Me Tangere.

Sumalangit nawa si Balagtas!

Tula nang tula!

Tata

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: