Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 18, 2010

Walang Hanggang Pangarap (ni Tita Castillo)

 
Damong diliwariw ang iyong katulad,
Sa katag-arawa’y laging nakabilad
Paghanap ng s’werte na makalulunas
Sa nais makamtang salapi at pilak—
Ngunit damo pa ring laging naghihirap.
Ang sikip ng dibdib laging umaantak
Dahil masakit mang malayo sa anak
Pilit lalandasin ang tanging pangarap.
Tao ka’t di damong sumapit ma’y bukas,
Ang damo’y susupling daming lalaganap;
Subalit ang tao lumipot ma’y bukas
Ay merong hanggaha’t tiyak magwawakas,
At magigising kang walang ilulunas
Kundi ang dalangi’t lihim na pag-iyak.

Marso 18, 2010
(Para sa isang napakagandang babaeng palaging nangangarap ng ginto at pilak na nasa Abu Dabi ngayon. Si Tita, tatlumpu’t anim na taong gulang na hindi nawawalan ng salapi at pilak tag-ulan man o tag-araw ngunit laging malungkot na umiiyak. Siya ang kapatid kong bunso.)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: