Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 12, 2010

Palaypalay

Kahit kanginong makata’y sinasabi ko, na ang kilos

Ng hangin ay dapat malaman kung ito’y ilalangkap

Sa kanilang mga tula. Dahil kung hindi nila natatalos

Ang bawat galaw nito ay maglimi at magbulay ka dapat.

Maraming nakababatid sa magkatunggaling sina Amihan

At Habagat na ikinuwento ng makatang si Bulanggugo.

Kung si Habagat ay may butihing bunsong si Dayaray,

Si Amihan nama’y may supling. Si Palaypalay na mabugso.

Si Palaypalay ang hanging gumigising sa dagat upang lumikha

Ng mga alon na kung tawagi’y kalakataw, along pinasasalipadpad

Upang umilambo at magsabog ng ampiyas upang lumabas ang bula;

Bulang ngasab ng isda upang humigit ng hangin sa rabaw ng dagat.

Si Palaypalay ay laging kaulayaw sa dagat ng bawat maglalayag

Upang ang kanilang armadahan ay sumuro ng maritatas ng dagat.

Enero 12, 2010

Bgy. Palaypalay, Jalajala, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: