Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 12, 2010

Hibik Ng Lawa Ng Laguna

Sa banig ng aking malawak na laot,

Kaydaming biyayang nagsisid sa pusod;

Ayungin, kanduli, tagunton at palos

Na nagpupusagan sa baklad pagsalok.

Ang anit ng lunas may tulya’t kabibe,

May susong pilipit may papan at b’wili;

Na ginagalahid upang maparami

Ang itlog ng itik gintong inaani.

Sa kalmanteng rabaw lipanang nag-ayap

Ang digman at liling dito papagaspas

Ang kawan ng isdang damakmak ang anak,

May lotus at kuyapong nangamumulaklak.

Ngayon, sobrang labo ang aking aninag

Sa pusod ng aking lawang umiiyak.

Awit Pantubigan ni Tata Raul Funilas!


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: