Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 29, 2009

Maputok Na Bagong Taon

May ulinig akong kaibang dagundong,
Anaki’y ‘sang tunog tulad nitong kanyon;
Pero sa wari ko’y isang rebentador
Upang salubungin itong Bagong Taon.
Tama ang hinala nang ito’y malapit,
O, ako’y nabingi sa aking nadinig;
Kaya ang ginawa’y kumuha ng kwitis
Na naitago ko noong isang Biernes.
Aking sinindihan saka pina-alpas,
Biglang saumagitsit sa dakong itaas;
Ako ay namangha laking pagkagulat
Gilas ng sambulat ay bilog na kislap.
O, Hesus na mahal ito ba ang tanda
Na hinihintay ko at pinipithayang
Ga-mundong layunin ng mga biyaya’t
Tala’y nagpaningning ng isang himala?
A! Sadya nga yatang isang talinghaga
O tinutudyo lang ng libong gunitang
Nakintal sa isip ng baliw na diwa.


Responses

  1. munting pahabol: HAPPY NEW YEAR SA LAHAT ! ! !


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: