Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 27, 2009

Perigrino

Isiniwalat mong isa kang Perigrino.
Kung tunay kang Perigrino, ipakita mo at patunayan ang pagkapudpod ng mga lansangan sa kalunsuran
Kaparangang hindi malipad ng uwak ang layo
At matatarik na bulubunduking hindi makatangi sa kalyo at lintos ng iyong sakong.
At kung hindi ka nagsasabi ng totoo:
Ikaw ang aatasan ko upang lumakad sa mga dokumentong hindi umuusad sa kagawaran
Ng gobyernong mahilig at humaling sa lagayan.
Ikaw ang totokahan ko upang lakarin ang mga kasong nakabinbin
Ng Mangagawa, Maralitang Tagalungsod, Magsasaka, Kababaihan, Kabataan, Lumad, OFW
At iba pang usaping walang hakbang na ginagawa ang pamahalaang hunghang.
At kung hindi mo malalakad lahat ang sinasalaysay ko,
Simulan mo nang alisin ang iyong palagatos at sundan mo ang bakas ng yapak ni Samuel Belibet.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: