Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 27, 2009

Panauhin

May kaba ang pintig
Nang may panauhing sa hangi’y umibis,
Di nagpahiwatig
At bumukas kusa ang pintuang pinid.

Di ito inunang,
Sansaglit umupo sa hapag kainan;
‘Sangyapos na suman
Na aming niluto’y nasa lalamunan.

Lambanog-matapang
Ay dagling naglinab, pumakla’t tumabang.

Magpugay ay wala
Nang ang bisita ko ay biglang nanlata,
Pangala’y dinakma!
Sino kang pangahas na sa aking dampa
Ay nangahas bigla?

Nanggaling tapayan ang bahaw na boses
Ay bibig na panis
At ‘sang hatinggabing silim ang tahimik.
“Ako po’y si Tiis
Na bumabahagi at makikiidlip
Galing himpapawid.”

Paraiso ng Rizaleno
Brgy. Bagumbong, Jala-jala, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: